Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kampanya laban sa iligal na droga sa harap na rin ng bagong kritisismo tulad ng sinabi ng Human Rights Watch.
Sa kanyang talumpati sa groundbreaking ng Cebu-Cordova Link expressway, binanatan ni Pangulong Duterte ang simbahang katolika sa pangingialam nito.
Ayon sa pangulo, hindi titigil ang kampanya hangga’t naka-upo siya.
Itinanggi rin ng pangulo na pulis ang nasa likod ng libu-libong pagpatay at hindi rin nagtatanim ng ebidensya ang mga ito.
At tungkol naman sa pakikipag-pulong ni Pangulong Duterte kay dating Senate President Juan Ponce Enrile sinabi ng pangulo na marami silang napag-usapan ni Enrile.
Tulad na lamang ng banta ng terorismo at isyu sa pork barrel scam.
Facebook Comments