P-Duterte, magdedeklara ng kanselasyon ng pasok sa gobyerno sakaling maging marahas ang mga kilos protesta sa Sept. 21

Manila, Philippines – Inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na pinaghahandaan na ng pamahalaan ang mga kilos protesta na isasagawa ng ibat-ibang grupo sa darating na setyembre a-21 kasabay ng anibersaryo ng pagdedeklara ng martial law sa bansa noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Lorenzana na narinig niya si Pangulong Duterte na sinabi na ikinokonsidera ang pagdedeklara ng kanselasyon ng pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan sa oras na naging marahas ang mga isasagawang kilos protesta.
Paliwanag aniya ng pangulo, ito ay upang hindi na maapektuhan ang mga empleyado ng pamahalaan sa pagpasok sa trabaho sa dahil narin sa posibleng mabigat na trapik na dulot ng mga pagkilos.
Batay naman sa isang panayam kay Pangulong Duterte ay binalaan nito ang mga militanteng mag poprotesta na huwag hayaang makasama sa kanilag hanay ang mga armadong NPA dahil mapipilitan aniyang gamitin ng gobyerno ang puwersa ng militar at pulis.
Pinaalalahanan din naman ni Lorenzana ang publiko na umiiral parin ang state of national emergency sa buong bansa na idineklara ng pangulo noong nakaraang taon kaya maaari paring magsagawa ng checkpoint ang militar at arestuhin ang mga kahina-hinalang personalidad at ikulong ng hindi hihigit sa 36 na oras.

Facebook Comments