Manila, Philippines – Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte raw ang magsasampa ng impeachment complaint laban kina Ombudsman Conchita Carpio-Morales at Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sabi ng pangulo, basehan niya ng reklamo laban kay Morales ang “selective justice” at falsified information.
Partikular na tinukoy ni Duterte ang ginagawang imbestigasyon ng Ombudsman sa umano’y milyon-milyong account ng kanyang pamilya.
Pagkakataon din aniya ang impeachment trial para mabuksan ang kanyang bank account at patunayan na mali ang paratang sa kanya ni Trillanes.
Maghahain din daw siya ng panibagong impeachment complaint kay Sereno kaugnay naman ng pagbili niya mamahaling kotse at bigong pagdedeklara sa SALN ng professional fees na natanggap niya bilang isang private lawyer.