P-Duterte, mahal pa rin ng taongbayan

Manila, Philippines – Tapos na ang honeymoon period parasa Duterte administration na ngayon ay halos nasa ika-10 buwan na.
  Pero ayon kay Senate President Koko Pimentel, nanatiliang pagmamahal ng taongbayan kay Pangulong Rodrigo Duterte.
  Yan ang basa ni Pimentel sa 78 percent trust ratings nanakuha ni President Duterte sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na isinagawanito lamang buwan ng Marso.
  Sa nabanggit na survey ay bumaba ng limang porsyente angtrust ratings ng pangulo kumpara sa nakuha nitong 83 percent noong December ngnakaraang taon.
  Pero ayon kay Pimentel, angnabanggit na trust ratings ng pangulo ay nangangahulugan na gusto pa rin ngmamamayan ang paraan ng pamumuno at kakaibang istilo ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments