MANILA – Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa grupong anti-Marcos na huwag nang pahirapan ang namayapang si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.Sa pagbisita niya sa mga sugatan PSG at sundalo sa Cagayan De Oro City, sinabi ng pangulo na hayaan at pagpahingahin na ang dating pangulo.Una na niyang iginiit na dapat igalang ang desisyon ng Korte Suprema na ihimlay na si Marcos sa nasabing libingan.Sa interview ng RMN kay buhay partylist representative Lito Atienza, dapat magkaisa na ang taumbayan tungo sa kinabukasan at hindi nanatiling nakayuko sa mga mapait na nangyari ng nakaraan.Kasabay nito, binuksan na sa publiko maging ang mga sa kontra Marcos ang puntod ng dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani mula alas-otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.Pero ang mga dadalaw ay kailangang dumaan sa mahigpit na seguridad na ipinatutupad ng mga sundalo at mga pulis.
P-Duterte, May Mensahe Sa Mga Anti-Marcoses – Buhay Partylist, May Apela Naman Sa Taumbayan
Facebook Comments