P-Duterte, May Mensahe Sa Mga Deboto

2

MANILA – Pinapakinggan ang kanilang mga panalangin…Ito ang paniwala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdagsa ng milyu-milyong deboto sa kapistahan ng itim na Nazareno.Sa mensahe ng Pangulong Duterte sa mga nananampalataya – sinabi nito na tiyak na masusuklian ang paghihirap at debosyon ng mga ito sa itim na Nazareno,Binigyan diin ng pangulo na kaisa ng milyu-milyong deboto ang pamahalaan sa pagsisikap na maka-ahon sa pang-araw, araw na pamumuhay at walang humpay na pananalig sa maykapal.Kaugnay nito, nanawagan naman sa interview ng RMN si Presidential Communications Office Sec. Martin Andanar sa mga deboto na sumunod sa mga kinakaukulan upang maging matiwasay ang kapistahan ng poong Nazareno.Sa ngayon ay nananatiling mapayapa ang traslacion kung saan walang naitatalang tiyak na banta ang mga otoridad.

Facebook Comments