P-Duterte, nagbantang isiswalat ang lahat ng katiwalian sa Office of the Ombudsman

Manila, Philippines – Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na isisiwalat niya ang lahat ng katiwalian sa Office of the Ombudsman.

Ayon kay Pangulong Duterte, ilegal ang pag-iimbestiga sa kanya ng Ombudsman.

Muling iginiit nito na hindi lalagpas sa 40 milyong piso ang kanyang yaman at ari-arian.


Hinamon pa nito ang mga opisyal ng Ombudsman na magbitiw na sa pwesto.

Sa kabila nito, hindi matitinag ang pangulo sa pagtupad ng kanyang tungkulin.

Facebook Comments