P-Duterte, nagbigay ng mensahe sa pagdiriwang ng Eid Al Adha

Manila, Philippines – Nagpaabot ng pakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ngayong araw.

Sa mensahe ng pangulo, mahalaga aniya na maipakita ang pagkakaisa para magkaroon ng tunay at pangmatagalang kapayapaan sa bansa.

Magandang pagkakataon rin daw ito para sa mga kababayang muslim na muling mapagtibay ang kanilang debosyon at pananampalataya sa Islam.


Umaasa naman ang pangulo na sa pamamagitan ng pagdiriwang na ito ay mapagtatagumpayan ng bawat isa ang pagsugpo sa anumang karahasan.

Facebook Comments