P-Duterte, nakatakdang bumisita mamayang hapon sa pamilya Carlos na minasaker sa San Jose Del Monte, Bulacan

Manila, Philippines – Nakatakdang bumisita mamayang hapon si Pangulong Duterte sa pamilya Carlos na minasaker sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Todo higpit na ang seguridad ng presidential security group sa baranggay Sto. Cristo, kung saan pinatay ang limang mag-anak nuong a-beinte syete ng Hunyo.

Ililibing ang mga biktima ngayong Miyerkules.


Inaasahan namang ilalabas ng PNP crime lab ngayong a-kinse ng Hulyo.

Ang resulta ng forensic test sa crime scene.

Tiwala ang Bulacan PNP malaking tulong sa kaso ang mga ebidensyang nakuha gaya ng dugo, kuko at mga hibla ng buhok — para madiin ang mga tinutugis nilang suspek.

Kaugnay nito – nabalitang nawawala ngayon ang isa sa tinuturing na persons of interest na si Alvin Mabesa.

Isa si Mabesa na nakiki-igib malapit sa bahay ng pamilya Carlos nung araw ng krimen.

Nauna nang hinuli ng Bulacan PNP si Mabesa pero pinakawalan din nang walang makitang ebidensya laban sa kanya.

Tutulong na rin ang N-B-I sa imbestigasyon na ginagawa kaugnay ng masaker.

Facebook Comments