P-Duterte, Ni-Lecture-An Si Agriculture Sec. Manny Piñol Kaugnay Sa Pagsasauli Nito Ng Natangga Na Regalo

9

MANILA – Ni-lecture-an ni Pangulong Rodrigo Duterte si Agriculture Sec. Manny Piñol kaugnay sa pagsasauli nito ng natanggap na regalo na mamahaling rolex watch kamakailan.Sa pagdalo ng ika-pitong anibersaryo ng Federalismo Alyansa of Bicol (FAB) sa Legazpi City Convention Center, Legazpi City, Albay…., sinabi ni Pangulong Duterte na hindi dapat isinauli ni Piñol ang isang rolex submariner.Ayon kay Duterte – kung siya ang binigyan ng relo, tatanggapin niya ito at ibebenta upang may maipambiling bigas para sa taongbayan.Paliwanag pa ng Pangulo – noong siya ay alkalde pa ng Davao City, mas hinihimok niya ang mga nagbibigay sa kanya ng regalo tuwing pasko na bigas o pagkain na lang ang ibigay.Una nang iginiit ni Piñol na kaya niya isinauli ang rolex submariner na may halagang P450,000 dahil batid nito na bawal at lalabag siya sa batas.

Facebook Comments