P-Duterte, praning at insecure – ayon kay Sen. De Lima

Manila, Philippines – Para kay Senator Leila De Lima, praning na at insecure pa si Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Reaksyon ito ng nakaditineng Senadora, makaraang sya pati sina Senator Antonio Sonny Trillanes Iv at Vice President Leni Robredo ay ituro ni Pangulongg Duterte na nasa likod ng planong pagpapatalsik sa kanya sa pwesto.
 
Sa kanyang sulat kamay na pahayag ay binigyang diin ni De Lima na walang katotohanan ang destabilisasyon na ibinibintang sa kanila ng pangulo.
 
Giit ni De Lima, hindi na dapat tumingin sa kanila si Pangulong Duterte dahil ito na mismo ang sumisira sa kanyang sarili.
 
Tinukoy ni De Lima na ilan sa bahagi ng recipe ng ginagawang self-destruction ni Pangulong Duterte ay ang inaani nitong ngayong matinding kritisismo at ang patuloy nitong pagbalewala sa pagkondena ng international community.
 
Binanggit din ni De Lima ang hindi makatwirang asal ng pangulo at pagbangga nito sa simabahan.
 
Gayundin aniya ang pagsusuko ng pangulo sa ating sovereign rights sa ating mga teritoryo.


Facebook Comments