P-Duterte, umaasa na hindi na aabutin ng isa pang buwan ang nangyayaring bakbakan sa Marawi

80

Manila, Philippines – Umaasa maging si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na aabutin ng isa pang buwan ang nangyayaring bakbakan ngayon sa Marawi City.

Sa kanyang talumpati sa Camp Quintin Merecido sa Davao City kagabi, muling sinabi ng pangulo na kumpiyansa siyang mananalo sa giyera ang mga sundalo.

Binigyang-diin din ni Duterte na droga ang nagpopondo sa mga terorista kaya tutok siya sa kanyang kampanya kontra-droga.


Muli ring tiniyak ng pangulo na matatanggap ng mga sundalo ang pangako nitong 50-billion pesos na trust fund.

Nag-sorry rin siya sa mga sibilyang nadadamay ng gulo sa Marawi.

Facebook Comments