Manila, Philippines – Positibo si Pangulong Rodrigo Duterte na tutupad ang China sa napagkasunduang Framework Agreement on Code of Conduct kasama ang pagplantsa sa isyu ng South China Sea.
Isa sa mga naging resulta ng ASEAN-China Summit ay ang negosasyon sa pagbuo ng Code of Conduct para sa South China Sea at sa ibang concerns na may kinalaman sa pagpapatatag ng relasyon ng Pilipinas at China at sa iba pang mga bansa sa Asya.
Kabilang sa mga naging resulta ng pakikipagusap ng mga bansa sa ASEAN sa China ay ang epektibong paglaban sa korapsyon, turismo at imprastraktura.
Umaasa naman si Pangulong Duterte sa magandang direksyon ng ugnayan ng mga bansa sa ASEAN at China sa hinaharap dahil sa naging matagumpay na pag-uusap sa mga isyung may kinalaman din ang Pilipinas.