P/SSgt GUMARANG GINAWARAN NG HEROISM MEDAL

*CAUAYAN CITY** – Bilang pagkilala sa inalay na pinakamataas na saktipisyo, ginawaran ng Heroism Medal si PSSg Richard Gumarang PNP Ramon.*

*Si P/Ssgt GUMARANG na una nang itinuring na bayani ay napatay sa pakikipagpalitan ng bala laban sa apat na holdaper noong September 20, 2019. Sa nasabing enkwentro, dalawa sa suspek ang napaslang, isa ang nahuli habang tinutugis ang isa pa. *

Bagamat nasa gitna ng pagdadalamhati, tinanggap ng maybahay ni Gumarang na si Mrs. Michelle Gumarang ang posthumous award na Medalya ng ng kagitingan na ipinagkaloob ni PBrig Gen Jose Mario Espino, Regional Director ng Police Regional Office (PRO2).


Maliban sa parangal, tatanggap ang naiwang pamilya ni PSSg Gumarang ng death benefits na kinabibilangan ng P250,000.00 mula sa President’s Social Fund; P141,000.00 hanggang P181,000.00 bilang Special Financial Assistance (SFA) mula sa PNP; burial benefits na P50,000.00 at P200,000.00 gratuity mula sa National Police Commission (Napolcom).

tag: 98.5 ifm cauayan, ifm cauayan, cauayan city, isabela, PNP Ramon, IPPO, engkwentro, pnp region 2, P/Brigadier General Jose Mario Espino, gumarang, PNP PD PCOL Mariano Rodriguez, PCAPT. Abdel Maximo, LGU Ramon, posthumous award,napolcom, Michelle Gumarang

Facebook Comments