P01 Catalan buhay pa ayon sa ipinalabaa na proof of life ng NPA

Nagpalabas ng proof of life ang New Poples Army(NPA) sa pamamagitan ng video na buhay pa ang bihag nilang pulis na si Po1 Bristol Catalan .Mismo ang Merardo Command ng NPA Southern Mindanao Region ang umako na hawak nila ang pulis na si Catalan na miembro ng Makilala municipal police station na dinukot sa Kidapawan City mahigit isang buwan na ang nakakalipas.
Si Catalan ay dinukot ng NPA Front 53 sa Barangay Katipunan Kidapawan City noong Aust 16 habang ito ay sakay ng kanyang motorsiklo.
Upang mapatunayang buhay pa ang pulis ay naglabas ng proof of life sa pamamagitan ng video ang NPA kung saan inamin ni Catalan na siya ay buhay pa, hindi sinasaktan at maayos na tinatrato ng NPA.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments