Naglaan ng P1.1-B ang Department of Agriculture (DA) para sa crop diversification program.
Ayon kay Undersecretary Evelyn Laviña, layon nito na asistihan ang mga magsasaka na kabilang sa mga non-rice priority regions.
Plano ng DA na palakasin ang kita ng mga ito sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng financial at technical assistance para makapagtanim ng high-value commercial crops na akma sa kanilang mga rehiyon.
Abot sa dalawampu’t tatlong probinsiya ang natukoy ng DA na magta-transition na sa pagtatanim ng saging, kamoteng kahoy, niyog, mga high-value vegetables, kawayan at rubber.
Kabilang sa mga lugar na ito ay ang mga sumusunod:
• Catanduanes (abaca)
• Abra (saging)
• Apayao at Tawi-Tawi (cassava)
• Batanes, Guimaras, Sulu (saging)
• Eastern Samar (niyog)
• Benguet (high-value vegetables)