Tinatayang aabot sa P1.157 trillion ang mawawala sa ekonomiya ng bansa dahil sa pagpapahinto sa trabaho bunsod ng Coronavirus pandemic.
Ayon kay Albay Reresetative Joey salceda, maaari ring bumagal sa 3% ang paglago ng gross domestic product ng bansa dahil sa COVID-19.
Malayo ito sa 6% hanggang 7% na target sana ng gobyerno ngayong taon.
Pero aniya, mapapatay lang ang virus kung patitigilin ang takbo ng ekonomiya sa bansa.
Kung hindi aniya nagdeklara ng Luzon-wide enhanced community quarantine si Pangulong Rodrigo Duterte, posibleng dumanas ng recession o mas malaking pagbagsak sa ekonomiya ang bansa.
Facebook Comments