Timbog ang tatlong high-value individuals sa magkasunod na operasyon ng pulisya matapos mahulihan ng 1. 1 milyong shabu sa Dagupan City at Urdaneta City, Pangasinan.
Nakuha mula sa isang 42 anyos na driver na residente ng Nueva Ecija ang 102 gramo o nagkakahalaga ng 693,000 na shabu sa ikinasang buy bust operation sa Dagupan City.
Arestado rin ang 24-anyos na babae at isang 24-anyos na lalaki, kapwa residente ng lungsod sa Urdaneta City ang 70 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P476,000.00.
Kulong ang tatlo na nasa kustodiya ng awtoridad na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments