CAUAYAN CITY – Lubos ang tuwa at pasasalamat ng 21 PWDs matapos makatanggap ng libreng prostheses mula sa iba’t-ibang local at national government units sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Sa pahayag ni Provincial Disability Affairs Office Chief Venus Cadabona, may pondong P1.2-M ang naturang assistive devices kung saan target nito ang 80 PWDs para sa unang batch.
Aniya, ang mga prostheses na bigay ng PLGU ay bilang suporta at pagbibigay lakas at inspirasyon na harapin ang anumang hamon ng buhay.
Ang pondo ay galing sa iba’t’-ibang ahensya kabilang ang Provincial Local Government Unit (PLGU), Department of Social Welfare and Development, at National Anti-poverty Commission.
Facebook Comments