Makakasama na ng kanyang pamilya si Mr. Rufo Roda matapos mapalaya mula sa kamay ng kanyang mga kidnapper.
Sumailalim sa custodial debriefing bago itinurn-over sa kanyang pamilya ang biktimang si Roda na tiga Sirawai ng lalawigan ng Zamboanga del Norte.
Ito’y matapos pinalaya ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Jolo, Sulu ang biktima noong Mierkoles Oktubre 17 nitong taon.
Si Roda pinalaya matapos umanong magbayad ng ransom na P1.2 million.
Batay sa ulat, ang nasabing halaga ay kapalit sana ng paglaya nilang mag-asawa subalit si Rufo Roda lamang ang pinalaya at nananatili sa kamay ng mga bandido ang misis nito.
Sinasabing isang nagngangalang Al ang nakipagnegosasyon para mapalaya ang kidnap victim.
Matatandaan, noong August 31 nitong taon si Roda na isang dating cafgu dinukot kasama ang kanyang asawa na si Helen sa may Piacan, isang coastal barangay sa lungsod ng Sirawai sa lalawigan, kung saan nagkaroon pa ng engkwentro na ikinamatay ng limang mga sibilyan kabilang na dito ang ilang cafgu habang isang bata naman ang sugatan.