P1.2-M ransom, ibinayad umano ng pamilya kapalit sa kalayaan ng kanilang sakop ng pamilya na dinukot ng ASG

Makakasamana ng kanyang pamilya si Mr. Rufo Roda matapos mapalaya mula sa kamay ngkanyang mga kidnapper.

Sumailalimsa custodial debriefing bago itinurn-over sa kanyang pamilya ang biktimang siRoda na tiga Sirawai ng lalawigan ng Zamboanga del Norte.

Ito’ymatapos pinalaya ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Jolo, Sulu ang biktima noongMierkoles Oktubre 17 nitong taon.


Si Rodapinalaya matapos umanong magbayad ng ransom na P1.2 million.

Batay saulat, ang nasabing halaga ay kapalit sana ng paglaya nilang mag-asawa subalitsi Rufo Roda lamang ang pinalaya at nananatili sa kamay ng mga bandido angmisis nito.

Sinasabingisang nagngangalang Al ang nakipagnegosasyon para mapalaya ang kidnap victim.

Matatandaan, noong August 31 nitong taon si Rodana isang dating cafgu dinukot kasama ang kanyang asawa na si Helen sa mayPiacan, isang coastal barangay sa lungsod ng Sirawai sa lalawigan, kung saannagkaroon pa ng engkwentro na ikinamatay ng limang mga sibilyan kabilang nadito ang ilang cafgu habang isang bata naman ang sugatan.  

Facebook Comments