Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang walong personalidad na hinihinalaang tulak sa iligal na droga sa magkahiwalay na buy bust operation sa Rail Road Track, Antipolo Street, Barangay 209 at Rizal Avenue, malapit sa kanto ng Tayuman Street, Barangay 331, Sta. Cruz, Manila.
Kinilala ang mga suspek na sina Ace Obar, 36-anyos, Jordan Eta, 33-anyos, Roberto Dela Cruz at Regina Garino, 48-anyos na nakuhanan ng 48 gramo na nagkakahalaga ng P340,000 na naaresto sa isinagawang buy bust operation sa Rizal Avenue malapit sa kanto ng Tayuman Street, Brgy. 331, Sta Cruz, Manila.
Sumunod na naaresto ay sina Ramil Gamoboa, 36-anyos miyembro ng Sigue-Sigue Commando Gang, Reden Crisostomo, 39-anyos, Lester Cezar, 18-anyos at Sherwin Gloria, 29-anyos, miyembro naman ng “Bahala na Gang” at nakumpiska sa kanila ang 127 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P863,600 kaya umaabot sa P1.2 milyong piso halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasabat ng NCRPO.
Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.