P1.26 posibleng ipataw na taas pasahe – LTFRB

Hindi lalagpas sa P1.26 ang posibleng taas pasahe sa mga pampublikong transportasyon.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Executive Director Joel Bolano na kung ang pagbabasehan ay yung formula na ginagamit base sa memorandum circular na pinalabas ng board at batay din sa taas singil ng produktong petrolyo, ang nasabing halaga ang maaaring ipataw na fare increase.

Magkagayunman, masusi pa itong pag-aaralan ng LTFRB at kanilang babalansehin lalo na’t nararansan parin ang pandemya sa bansa.


Kamakailan sinabi ng transport group na Pasang Masda na maghahain sila ng petisyon sa LTFRB upang ihirit ang P3 taas pasahe dahil sa sunod-sunod na taas singil sa produktong petrolyo.

Facebook Comments