P1.2M FINANCIAL ASSISTANCE, IPINAGKALOOB SA MGA OFW SA ISABELA

Cauayan City – Namahagi ang Overseas Workers Welfare Administration Regional Welfare Office 02 ng kabuuang Php 1,281,000.00 na tulong pinansyal sa 60 benepisyaryong OFW sa lalawigan ng Isabela.

Isinagawa ang pamamahagi sa Ilagan Sub-Office at One Stop Service Center for OFW’ s sa lungsod ng Santiago.

Limampu’t walong benepisyaryo sa Ilagan Sub-Office ang tumanggap ng kabuuang Php 601,000.00 sa ilalim ng Welfare Assistance Program.


Apat na pamilya ng OFW ang nabigyan ng Social Benefits para sa Death and Burial Assistance na umabot sa halagang Php 680,000.00 at isang espesyal na tulong pinansyal na ibinigay sa Mabini Avenue, Santiago City.

Samantala, dumalo sa nasabing seremonya sina Officer In-Charge Regional Director Alma Y. Gammad, Almira P. Managuelod, Mr. Leo Velasco Jr.,Family Welfare Officer, at Mr. Harby Romero, na tumulong sa maayos na pamamahagi ng tulong.

Facebook Comments