P1.3 MILYONG HALAGA NG FINANCIAL ASSISTANCE, IPINAMAHAGI

 

CAUAYAN CITY – Nakatanggap ng financial assistance mula sa OWWA Region 2 ang 67 OFW beneficiaries sa buong Lambak ng Cagayan.

 

Ang tulong pinansyal na natanggap ay mula sa Programang Balik Pilipinas Balik Hanapbuhay!; Social Benefits: Death and Burial Assistance; at WAP Medical Assistance.

 

Umabot sa higit P1.3 milyon ang halaga ng naipamahagi na pinangunahan nina OWWA Administrator Arnell Ignacio at Regional Director Virsie Tamayao.


 

Layunin ng aktibidad na makapagbigay daan sa ating mga kababayan na muling makapagsimula at mapabuti ang kanilang pamumuhay.

Facebook Comments