P1.3-Trillion ARISE Act, aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasang Kamara ang Accelerated Recovery and Investments Stimulus for the Economy (ARISE) Act sa botong 216 Yes at 7 No.

Sa ilalim ng panukala na ini-akda nila Albay Rep. Joey Salceda, AAMBIS-OWA Rep. Sharon Garin at Marikina Rep. Stella Quimbo, P1.3 trillion na economic stimulus package ang inilaan para sa milyon-milyong manggagawang apektado ng COVID-19 at para na rin sa pagpapanatili ng operasyon ng mga maliliit na negosyo.

Nasa P688 billion na pondo ang inilaan para sa taong ito.


Huhugutin ang pondo sa economic stimulus package sa Department of Finance, Bureau of Treasury at government financial institutions.

Pinapalawig din ng ARISE Act ang validity ng pondo sa 2019 at 2020 na maaaring gamitin para sa 2021.

Binibigyan din ng awtorisasyon si Pangulong Rodrigo Duterte na mag-realign ng pondo sa loob ng anim na buwan para sa mga items na hindi na magagamit dahil sa COVID-19 tulad ng travel at forced savings.

Pinapalawig din ng panukala ang kapangyarihan ng Bayanihan to Heal as One Act partikular sa probisyon ng testing, wage subsidies, TUPAD ng Department of Labor and Employment (DOLE), loan payment extension, ayuda sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA), pagluwag sa credit rules o pautang, health protocols para maiwasan ang virus transmission, reallocation at realignment ng pondo.

Facebook Comments