P1.4 B Infra- Projects para sa Maguindanao aprubado na!

Lumagda na sa Memorandum of Agreement (MOA) ang DPWH-ARMM kasama ang labing anim na Local Government Units sa Maguindanao kahapon dito sa Cotabato City.
Ito ay para sa implementasyon ng 2018 Regular Infra-Projects kung saan may kabuuang budget na 1.4 Billion pesos na mahahati sa Engineering District 1 at 2 ng Maguindanao.
Sinabi ni DPWH-ARMM Secretary Don Loong, na ang mga Infra-Projects ay magsisimula na agad kapag ang mga kaukulang dokyumento ay tapos at naisumite na.
Kinabibilangan ng mga bayan ng Parang, Buldon, Upi, Barira, Matanog, Pagalungan, Mamasapano, Datu Paglas, Rajah Buayan, Datu Abdullah Sangki, Shariff Aguak, Pandag, Ampatuan, Gen. Salipada K. Pendatun, Talayan, at Buluan ang makabiyaya ng road projects.
Malaki naman ang tiwala ni ARMM Governor Mujiv Hataman sa lahat ng LGU na maiimplenta ng maayos ang nasabing proyekto. (with reports from NDU 3rd year AB COMM Zahhir Sinsuat)
BPI ARMM Pic

Facebook Comments