P1.5-B halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes, aksidenteng nadiskubre habang nagsasagawa ng operasyon ang PNP-HPG sa Malabon

Muling nakadiskubre ang mga operatiba ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang 18 containers na naglalaman ng unregistered imported cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng P1.5-B sa Malabon.

Ayon sa HPG, nagsasagawa sila ng anti-carnapping operation sa lugar noong Disyembre 31 nang makita ang 2 motorsiklo na walang suot na helmet na nagresulta sa pakikipaghabulan ng mga awtoridad.

Nang makorner umano ang isang rider ng motor sa isang logistics facility habang ang isa pang indibidwal ay nakatakas, dito na umano nadiskubre ng mga awtoridad ang mga nasabing mga containers na naglalaman ng nasabing mga unregistered na sigarilyo.

Kung saan nagresulta ito sa pagkaaaresto ng 3 tauhan ng nasabing yarda dahil sa walang maipakitang mga dokumento ng mga nadiskubreng sigarilyo .

Kaugnay nito ang naaresto namang rider ay inisyuhan ng Temporary Operator’s Permit (TOP) para sa hindi pagsuot ng helmet habang ang mga containers at ang laman nito ay sinecure at nilagyan na ng cordon para sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad.

Facebook Comments