P1.5-M halaga ng armas, nasabat ng BOC-NAIA sa Pasay City

158

Nasa 1.5 milyong pisong halaga ng mga baril, parts at accessories ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs-NAIA sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.

Ayon sa BOC, walang import permit mula sa Firearms and Explosive Office ng Philippine National Police ang 28 parcels na naglalaman ng mga baril.

Dadalhin ang kaso sa Bureau Action Team Against Smugglers (BATAS) at sa Legal Service para sa imbestigasyon, case build up at prosecution ng mga importer at kanilang kasabwat.

Nakatakda namang i-turn over ng BOC ang mga nasabat na armas sa Enforcement and Security Service-Firearmas and Explosive Office para sa forfeiture proceedings.

Facebook Comments