Cauayan City, Isabela-Umaabot sa mahigit P1 milyong piso ang bibilhing GOURmix food ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa isang kooperatiba para sa gagawing feeding program ng ahensya.
Ito ay makaraang ilunsad ng Providers Multi-Purpose Cooperative katuwang ang Department of Agriculture – Cagayan Valley Research Center (DA-CVRC) at DA-Bureau of Agricultural Research sa kanilang Processing Facility sa Brgy. Magsaysay, Naguilian, Isabela kahapon, October 23.
Suporta ito sa Research for Development Project on Upscaling and Sustaining Commercialization of Enhanced Pinoy GOURmix products.
Ilan sa mga pangunahing sangkap nito sa paggawa ay bigas, white corn (glutinous and white flint), at adlay grits with malunggay powder, Soybean Texturized Vegetable Protein (TVP), Ground Mungbean, at Ginger, at mas pinasarap pa ng mushroom powder.
Sa kanyang mensahe, inihayag ni Regional Technical Director for Research & Regulatory Rose Mary G. Aquino, pinasalamatan nito ang mga nasa likod ng matagumpay na paglulunsad partikular ang nasabing kooperatiba kung saan patuloy ang kanilang pagbibigay suporta sa proyekto.
Nagsagawa rin ng paglagda sa Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng DA-BAR at kooperatiba kung saan kasama P500,000 halaga ng processing equipment gaya ng Corn Milling Machine, Flour Milling Machine, Vacuum Sealer Machine, at Food Mixer.
Bahagi na ng GOURmix upscaling project ang maging pangunahing manufacturer ang kooperatiba at distributor para sa Pinoy GOURmix with DA-HALAL na inaprubahan ang product label kung saan matutugunan nito ang pangangailangan ng gobyerno maging ang Private agencies program on Nutrition/Feeding and Relief Foods-packs para maipamahagi sa publiko ngayong nahaharap sa lahat banta ng sakuna at pandemya.