P1.7-M halaga ng pekeng sapatos, nasamsam ng CIDG

Arestado ang siyam na katao matapos ang ikinasang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa mga nagbebenta ng pekeng branded na sapatos sa Cartimar Shopping Center sa Pasay City.

Nasamsam ng mga awtoridad ang 293 pares at 152 pirasong assorted Crocs, Vans at Puma products na tinatayang nagkakahalaga ng ₱1,735,000.00.

Ayon kay PBGen. Christopher Abrahano, Acting Director ng CIDG, nahuli sa aktong nagbebenta ng mga pekeng sapatos ang siyam na suspek.

Kakasuhan ang mga naaresto ng paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines partikular ang Infringement, Unfair Competition, at False Description.

Facebook Comments