P1.7-M halaga ng shabu, nasamsam sa babaeng suspek sa Daet, Camarines Norte

Umabot sa P1.7 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon kontra ilegal na droga sa isang babaeng suspek sa Purok 2, Barangay Gahonon, Daet, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ani”, 23 taong gulang, walang asawa, walang trabaho, at residente ng Barangay VII, Mercedes, Camarines Norte.

Naaresto ang suspek matapos makabili ang poseur buyer ng isang piraso na knot-tied transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Ang nakumpiskang hinihinalang shabu ay may kabuuang timbang na tinatayang 250 grams at may tinatayang halaga na P1.7 milyon.

Ang operasyon, pati na ang imbentaryo at pagmamarka sa mga ebidensya, ay isinagawa sa presensya ng isang opisyal ng barangay at kinatawan mula sa media upang matiyak ang transparency at pagsunod sa tamang legal na proseso.

Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa pangangalaga ng Daet Municipal Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Facebook Comments