P1.7-million halaga ng shabu, nasabat ng PDEA sa Pasig

Pasig – Nasa 1.7-milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat sa buy-bust operation ng PDEA sa barangay pinagbuhatan, Pasig City kagabi.

Naaresto sa operasyon ang 24-anyos na si alyas “Lem” matapos siyang mabilhan ng iligal na droga ng mga ahenteng nagsilbing poseur buyer.

Nakuha sa kanya ang tatlong plastic bag ng shabu na may timbang na 250 grams.


Depensa naman ng suspek, runner lang siya ng shabu.

Pero ayon sa PDEA – si Lem mismo ang naghahatid ng mga binebenta niyang shabu sa silangang bahagi ng Metro Manila, Pasig at ilang bayan sa Rizal.

Inaalam na ng PDEA kung anong grupo ang kinabibilangan ng suspek.

Facebook Comments