P1.7 MILYONG HALAGA NG LIVELIHOOD AID, IPINAGKALOOB SA MGA MAGSASAKA NG LAOAC

LAOAC, PANGASINAN – Ipinagkaloob ng Department of Labor and Employment Region 1 ang P1. 7 milyong halaga ng livelihood aid para sa mga magsasaka sa bayan ng Laoac.

Ayon sa DOLE Region 1, aabot sa 322 magsasaka na mula sa labing dalawang farmer associations ang benepsiyaryo ng naturang halaga.

Ang P1. 7 milyong halaga ay nakatakdang ibili ng kagamitang pansaka gaya ng hand tractor, heavy duty trailer at motor engine bilang suporta sa kabuhayan ng mga magsasaka.


Sinabi ni DOLE Regional Director, Evelyn Ramos, ang ahensya ay patuloy na magbibigay buhay sa mga naghahanap buhay sa kabila ng nararanasang krisis.

Hinikayat din nito ang mga magsasaka sa bayan na maging ehemplo upang maipagpatuloy ang economic competence ng lalawigan.

Facebook Comments