Umabot na sa higit 1.7 million low income individuals na apektado ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) Plus bubble ang nakatanggap ng one-time financial assistance.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista, aabot na sa 1,757,281 ang nakatanggap ng kanilang ayuda.
Walong porsyento ito ng ₱22.9 billion na target na maipamahagi sa 22.9 million low-income individuals.
Ang supplemental aid ay nai-disburse sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.
Batay sa mga dokumentong iprinisenta ni Bautista, ang bulto ng ayuda ay ipinaabot sa 1,574,940 NCR beneficiaries na nagkakahalaga ng ₱1.57 billion.
Kasunod ang Rizal (₱95.1 million) para sa 95,197 beneficiaries, Cavite (₱34.5 million) para sa 34,565 beneficiaries, Laguna (₱28.56 million) para sa 28,564 beneficiaries, at Bulacan (₱24 million) para sa 24,015 beneficiaries.