P1.89-B na pondong capital ng mga negosyanteng OFW, inilabas ng LANDBANK

Aabot sa P1.89 billion na kabuuang pondo ang naipamahagi ng Land Bank of the Philippines (LANDBANK) para sa pag-uumpisa ng negosyo ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sa inilabas na datos ng OFW Reintegration Program (OFW-RP), tinatayang 1,297 Pilipino ang nabigyan ng oportunidad para makapagtayo ng negosyo mula nang ilunsad ito noong Mayo 2011.

Ayon kay LANDBANK President at CEO Cecilia Borromeo, malaki ang naitulong ng programa para sa mga kababayan na magkaroon ng alternatibong pagkukuhanan ng pinansyal lalo na nitong pandemya.


Umabot sa P219 million na kabuuang pondo ang inaprubahan ng Land Bank sa 176 na OFW mula nitong Marso 15 hanggang Mayo 31, 2021 dahil sa epekto ng COVID-19.

Sa ilalim ng OFW-RP, maaaring makahiram ng capital ang isang OFW kung saan may minimum amount na P100,000 hanggang P2 million na mayroong fixed interest rate na 7.5% kada taon.

Facebook Comments