P1.9 billion naka standby bilang pantulong ng DSWD sa mga LGUs na naapektuhan ng bagyong Ursula

Abot sa 1.9 billion pesos ang standby fund ng Department of Social Welfare and Development o DSWD bilang dagdag na ayuda sa mga  naapektuhan ng Bagyong Ursula.

Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, ang naturang pondo ay nakatakdang ipalabas sa mga Local Government Units o LGUs na mayroong emergency request.

Sinabi ni Dumlao na sa ngayon ay mga LGUs pa ang unang responders sa mga lugar na may mga lumikas sa evacuation centers.


Kabilang sa mga naka prepositioned na ay mga family food packs at mga non-food items tulad ng sleeping kits, hygiene kits, tents at laminated sacks.

Sa ngayon ay activated na ang mga Regional Disaster Operation Center sa Visayas.

May naka-standby na rin ang mga bigas mula sa NFA na nakahandang ipamigay.

Facebook Comments