P1 billion na budget ng OVP sa 2022, muling inihirit ng isang kongresista; budget ng OVP, mabilis na pinalusot sa Plenaryo ng Kamara

Mabilis na pinalusot sa Plenaryo ang 2022 budget ng Office of the Vice President (OVP).

Mula sa deliberasyon ng panukalang P5.024 trillion 2022 national budget sa Kamara, personal na dumalo rito si Vice President Leni Robredo.

Nagmosyon lamang si Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado Jr., na itaas sa P1 billion ang pondo ng OVP sa susunod na taon.


Punto ni Bordado, ang pondong ginamit ng OVP para sa COVID-19 response ay pawang galing sa mga donasyon bunsod nga ng maliit na pondo na inilaan sa 2021.

Umaasa ang kongresista na madagdagan ang pondo ng OVP upang mas marami ang magawang proyekto at mas marami pa ang matulungan ngayong pandemya.

Aabot naman sa P713 million ang 2022 budget ng OVP na 21% na mas maliit kumpara sa pondo ngayong taon.

Facebook Comments