Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagre-release ng isang bilyong pisong pondo para sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.
Ayon kay Department of Budget and Management Officer-In-Charge Undersecretary Tina Canda, maaari nang ma-download ito ngayong araw.
Ibabawas aniya ito sa contingent fund ng Office of the President at ilalaan para sa mga apektadong rehiyon sa:
• Region 4B (MIMAROPA)
• Region 6 (Western Visayas)
• Region 7 (Central Visayas)
• Region 8 (Eastern Visayas)
• Region 10 (Northern Mindanao)
• at Region 13 (CARAGA Region)
Batay sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 258 indibidwal na ang naitalang nasawi habang 47 ang patuloy na hinahanap at 568 ang nasaktan dahil sa paghagupit ng bagyo.
Sa kabuuan, 2 million, 196,000 , 432 na indibidwal o katumbas ng 585,029 pamilya ang nasalanta mula sa 4,566 barangay.