P1 bilyon, standby funds para sa disaster operations – DSWD

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may sapat na pondo para rumesponde sa pangangailangan ng mga pamilyang lumikas dahil sa aktibidad ng Bulkang Taal.

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, mayroon silang stockpiles at standby funds na nagkakahalaga ng higit ₱1.08 billion na maaaring gamitin sa disaster operations.

Nasa 209.28 million pesos ang standby funds ng kanilang Central Office at Field Offices.


Aabot naman sa 294,272 Family Food Packs (FFPs) ang naka-preposition sa iba’t ibang strategic locations sa buong bansa.

“Ang konsepto naman namin dito kapag ang isang region ay nangangailangan ng tulong, for example, naubusan ng stock ng food and non-food items ay tutulong ang mga kalapit na Field Offices,” anang kalihim.

Pagtitiyak ni Bautista na maihahatid ang tulong sa pamilyang apektado ng Bulkang Taal.

Matatandaang inilunsad ang Task Group Taal noong nakaraang taon kasunod ng pagsabog nito.

Facebook Comments