P1-M halaga ng Marijuana, Nakumpiska sa isang Criminologist

13

Cauayan City, Isabela- Nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Unit/ Provincial Drug Enforcement Unit, Cagayan PPO, Philippine Drug Enforcement Agency at Lasam PNP mula sa suspek ang hinihinalang walong (8) bloke ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Provincial Road, Centro Uno, Lasam, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Rommel Maguddayao, 37-anyos, isang licensed criminologist at residente sa nabanggit na lugar.


Una rito, naaktuhan ang suspek na ibinebenta ang isang bloke ng marijuana sa isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer kung kaya’t kaagad itong inaresto ng mga otoridad.

Sa report ng pulisya, tumitimbang ng 8,000 grams na may humigit kumulang P1 milyon ang halaga ng nakumpiskang iligal na droga.

Mahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments