Nakatawid na sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 7535 o panukalang bigyan ng P1 million na “cash gift” ang mga Filipino na aabot sa edad na 101.
Ito ay 10 beses na mas mataas kumpara sa P100,000 na cash gift para sa mga nasa 100 taong gulang na siyang itinatakda ng Centenarians Act of 2016.
Binigyang diin sa panukala na marapat pagkalooban ng espesyal na pagkilala ang mahabang buhay at karangalan ng mga centenarian na tutuntong sa edad 101.
Samantala, ang mga edad 80, 85, 90 at 95 ay makatatanggap ng “letter of felicitation” mula sa pangulo ng bansa at cash gift na P25,000 bawat isa.
Facebook Comments