Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang halos P7 million na halaga ng shabu sa isang Christmas Day drug buy bust operation sa Lapu-Lapu City.
Nagresulta ito sa pagka-aresto ng subject ng operation na sina alyas Jesson, 30, isang construction worker, at ang pamangkin nitong si alyas John.
Isinagawa ang buy bust operation sa Sitio Lower Matumbo, Barangay Pusok, Lapu-Lapu City.
Nasamsam sa operasyon ang isang pakete ng shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 1,000 gramo, buy-bust money, isang smart phone, at iba pang ebidensyang hindi droga.
Ang ebidensya ay nasa repository ng PDEA 7 Regional Office Laboratory para sa tamang disposisyon.
Inihahanda na ng PDEA ang mga kasong paglabag sa Sections 5 at 26 ng Article II, RA 9165 laban sa mga suspek.