P1-M reward, alok para sa pagkakaaresto ng mga suspek na pumatay sa 4 na pulis sa Negros Oriental

‘Dead or alive’

Naglabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang milyong pisong pabuya para sa ikadarakip ng mga nasa likod ng pagpatay sa apat na pulis sa Negros Oriental.

Ito ay matapos bisitahin ng Pangulo ang burol ng mga pulis na kinilalang sina Police Corporal Relebert Beronio, patrolman Raffy Callao, patrolman Ruel Cabellon at patrolman Marquinode Leon.


Ginawaran ang mga nasawing pulis ng Order of Lapu-Lapu, Kalasag Rank.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – sinabi ng Pangulo na 1 million pesos ang ibibigay niyang pabuya sa mga makakapagturo sa kinaroroonan ng mga pumatay sa apat na police intel personnel.

Dagdag pa ni Panelo – nasa 50,000 pesos naman ang pabuya sa mga makakahuli sa lahat ng mga sangkot sa insidente.

Matatandaang apat na police officers ang in-ambush at na-torture ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Yamot, Barangay Mabato sa bayan ng Ayungon.

Facebook Comments