Patuloy na pinapalakas ng Police Regional Office 1 (PRO 1) ang kampanya laban sa ilegal na droga upang masiguro ang kaligtasan ng publiko sa buong rehiyon.
Sa loob ng isang linggo, mula January 22 hanggang 28, 2026, nagsagawa ang PRO 1 ng 35 operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng 38 indibidwal at pagkakakumpiska ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng higit P10.4 milyon.
Kabilang sa nasamsam ang 162.10 gramo ng shabu at mahigit 46,000 piraso ng marijuana plants, na pagbabawas sa banta ng droga sa mga kabataan at mamamayan.
Ayon sa Police Regional Office 1, ang pakikipagtulungan ng kapulisan at ng mamamayan ay mahalaga upang mapanatili ang positibong resulta ng operasyon.
Ang serye ng operasyon ay bahagi ng patuloy na misyon na panatilihing malinis at ligtas ang Ilocos Region, kasabay ng pagpapaigting ng kamalayan at pakikiisa ng publiko laban sa ilegal na droga.










