Pinalilipat ang alokasyon ng “right of way fund” at pondo para sa barangay at sangguniang kabataan elections sa ibang mga programa ng gobyerno.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, gagawin nila ang amyendang ito sa pagsalang ng 2020 General Appropriations Bill (GAB) sa Bicameral Conference Committee.
Tinatayang P10 billion ang sinasabing pondo na ililipat ang alokasyon para sa susunod na taon.
Kabilang dito ang karagdagang P3 billion para pambili ng palay ng mga magsasaka; pagtataas ng maintenance and other operating expenses ng department of education; at pagpapailaw sa buong bansa bago matapos ang Administrasyong Duterte.
Padaradagan din aniya ang sports dahil sa magiging host ang Pilipinas sa Paragames sa susunod na taon pati na rin ang pinaghahandaang Tokyo Olympics gayundin ang pagpondo sa batas para sa protected areas ng bansa.
Bago inaprubahan ng Kamara ang 2020 national budget sa 3rd and final reading ay pinabuo ng small committee na siyang tatanggap at susuri sa mga institutional amendments na ipapasok sa pambansang pondo.