Natanggap na ng Pilipinas ang huling utang mula sa Japan.
Ayon sa Japan International Cooperation Agency (JICA), nagkakahalaga ito ng 10 bilyong Yen o mahigit P457 million na gagamitin ng bansa sa pagresponde sa COVID-19.
Ang ika-apat at huling bugso ay kumakatawan sa kabuuang 50 billion Yen na pinagkasunudan ng dalawang bansa noong Setyembre 2020 para sa gamiting contingency fund ng bansa.
Ayon kay Deparment of Finance Secretary Carlos Dominguez III, gagamitin ang natanggap na halaga bilang suporta ng gobyerno sa pagbibigay ng emergency cash grants sa mga vulnerable sector ng NCR.
Facebook Comments