P10-M ACCESS ROAD, PORMAL NG IPINASAKAMAY SA BAYAN NG SAN MARIANO

 

CAUAYAN CITY – Pormal ng ipinasakamay ng DSWD Field Office 2 sa mga residente ng Sitio Diwagden, Brgy. San Jose, San Mariano, Isabela ang 1-kilometrong access road na nagkakahalaga ng mahigit P10-M.

Ang naturang daan ay hindi lamang pakikinabangan ng nabanggit na lugar bagkus ay 19 na barangay ang mabebenipisyuhan nito.

Dahil sa proyektong ito, mas mapapadali na ang transportasyon ng mga produktong pang-agrikultura patungo sa merkado, maging ang pagkakaroon ng access ng mga residente sa pangunahing serbisyo tulad ng medical and dental health care.


Pinondohan ang proyekto sa ilalim ng National Community-Driven Development Program – Additional Financing (NCDDP – AF) at Municipal Local Counterpart Contribution (MLCC).

Facebook Comments