P10-M na halaga ng ayuda, ipinamahagi ni PBBM sa mga magsasaka at mangingisda sa Sulu

Personal na inihatid ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang P10 milyon na halaga ng Presidential Assistance para sa mga magsasaka at mangingisda ng Sulu, na naapektuhan ng El Niño.

Umaasa ang pangulo na kahit papano ay makatulong ito sa pagpapalakas ng kabuhayan ng mga naapektuhang pamilya sa lalawigan.

Hindi aniya iiwan ng pamahalaan ang mga ito sa pagharap sa pagsubok, at pagbangon mula sa pinsalang iniwan ng matinding tag-tuyot.


Batay sa datos, higit P5.3 milyon ang halaga ng napinsala sa pananim sa probinsya sa Sulu habang nasa 912 magsasaka naman ang naapektuhan.

Nagbigay din ang DSWD ng tig P10,000 sa 5,000 magsasaka at mangingisda sa ilalim ng ‘Ayuda sa Kapos ang Kita Program’ kasama na ang mga makinarya at inputs sa pagsasaka.

Facebook Comments