
Naglabas na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng P10 million na pabuya para sa makakapagturo sa kinaroroonan ni Charlie “Atong” Ang.
Si Ang ay bigo pa ring maaresto ng mga awtoridad sa kabila ng pagsisilbi na ng mga warrant of arrest ng Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang tirahan ng negosyante.
Ayon kay DILG Sec. Jonvic Remulla, galing mismo sa ahensiya ang ilalabas na pabuya para sa mabilis na pagkakaaresto kay Ang.
Naniniwala si Remulla na malaking tulong ang naturang halaga para mapilitan nang sumuko ang itinuturong mastermind sa pagkawala ng daan-daang sabungero.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang PNP sa Bureau of Immigration (BI) sa kaso.
Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group0 (CIDG) Police Major General Robert Alexander Morico II, ito ay para sa paglalabas ng hold departure order laban kay Ang.
Ayon naman kay BI Legal Division Chief Arvin Cesar Santos, hindi pa nakalalabas ng bansa si Ang base sa kanilang record.









